Ano nga ba talaga ang Wika?; at gaano ba ito ka importante sa isang bayan, tulad ng Pilipinas. Ang "Wika" ay isang bagay na nakapaguugnay sa atin sa ating kasaysayan. Ito ay bahagi na ng ating kasaysayan at patuloy na ginagamit sa pang araw-araw na gawa.Sumisimbolo din ito sa ating pagkamakabayan kung paano natin ito isinasalita.
Ang Wika ay isang kagamitan na ating ginagamit upang makipagsalamuha o makipaghalubilo sa kapwa nating tao.
Mailalarawan natin ang ating sarili sa ginagamit nating wika, tulad ng mga Cebuano na karamihan ay Bisaya ang wika. Ang diyalektong bisaya ay maypagkagalasgas, buo, at may tigasing tono sa pananalita. Ganoon din ang mga Cebuano, hindi man lahat, tayo ay nagpapakita ng isang imahe na tayo ang tigasin,malakas at agresibo.
Ang wika din ang nagsasabi kung saan o anong tribo ka nanggaling, dahil sa iba't-ibang dako ng Pilipinas nagkalat ang iba't-ibang tribo na mayroong sariling wika na ginagamit sa pagsasalita.
Samakatuwid ang wika na ating ginagamit araw-araw at ang wikang ating natututunan sa paaralan ay dapat nating bigyan at pagtuonan ng pansin. Hindi tayo matatawag na Pilipino o kahit ano man ang iyong nasyonalidad kung hindi mo ipinahahalagahan ang iyang sariling wika ng kinalakihan. Pagbigyan nating nangpagpupugay ang sariling atin, mahalin ,pagtibayin at alamin. Wika natin na para sa atin.
No comments:
Post a Comment